MANILA, Philippines – Sa dami ng isyu na kinahaharap ng bansa mas maraming Pinoy ang nais na ang pangunahin na tutukan ni Pangulong Bongbong Marcos ay ang ekonomiya ng bansa.
Base sa Pahayag 2023-Q2 results nasa 17% ng mga Pinoy ang nagsabi na ang “most important macro-issue” na dapat ayusin ni Pangulong Marcos ay ang ekonomiya na syag may malaking epekto sa conomic stability and growth.
Kasunod na dapat solusyunan ay ang corruption kung saan nasa 14% ng respondents ang nasagbi na isa ito sa critical issue sa ilalim ng administrasyon.
Nasa 13% naman ang nangangamba sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at ang inflation.
Ang poverty ay isa din sa dapat na solusyunan kung saan 12% mga Pinoy ang nais na mabigyan uti ng pansin ng administrasyon habag 10% ang usapin naman sa unemployment.
“The survey further revealed variations in concerns among different demographic groups. Within the 18-24-year-old age bracket, poverty was identified as the topmost concern by 17% of respondents. In the 25-29-year-old demographic, jobs were seen as the primary issue, with 16% of respondents highlighting its importance”ayon sa survey.
Sa Mindanao ang pangunahin na nais maresolba ng mga residente ay ang peace and order na nakakuha ng 8% gayundin ang usapin sa employment kung saan marami sa respondents ang nagsabi na hirap silang kumuha ng trabaho.
“A significant proportion of 14% identified this as their primary concern heading into the next quarter. Notably, among the 18-24-year-old non-working and low- income individuals, this concern was particularly pronounced, with 19% and 20% of respondents respectively indicating its importance”ayon pa sa survey.
Ilan din sa concerns na nais iparating kay Pangulong Marcos ay ang maliit na pasahod na hindi na kayang ipambili ng basic necessities na nakakuha ng 12% habang 11% ang nangangamba na mawalan ng trabaho.
Pagdating sa mga senior citizens ilan sa kanilang alalahanin ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin gayundin ang usapin ng kalusugan kung saan marami ang nangangamba pa rin sa banta ng COVID 19 at ang pangamba na hindi matugunan ang kanilang healthcare services at hospitalization.
Ang PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ay isang independent at non- commissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc sa pagitan ng June 7 hanggang 12,2023 sa may 1,500 respondents.
“It is a nationwide purposive survey with 1,500 respondents randomly drawn from a market research panel of over 200,000 Filipinos maintained by PureSpectrum, a US-based panel marketplace with a multinational presence with respondents, and distributed across five geographical areas: National Capital Region (NCR), North Central Luzon (NCL), South Luzon (SL), Visayas (Vis), and Mindanao (Min). Only registered Filipino voters were included in the sample, ensuring that the results accurately represent the sentiments of the voting population”paliwanag pa sa survey.