Home HOME BANNER STORY Eksperto kay PBBM: ‘Extended continental shelf’ ng WPS isampa sa UN

Eksperto kay PBBM: ‘Extended continental shelf’ ng WPS isampa sa UN

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng isang maritime expert si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghain ng “an entitlement to a continental shelf beyond 200 nautical miles in the West Philippines Sea (WPS)” sa United Nations commission sa gitna ng agresyon ng China sa pag-angkin sa ilang bahagi ng naturang lugar.

“It is not ‘a claim for territorial ownership’ but a ‘submission to establish entitlement to a continental shelf beyond 200 nautical miles’ in the WPS,” ayon kay Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea sa naging mensahe nito sa GMA News Online.

Tinuran pa ni Batongbacal namaaaring magsampa si Pangulong Marcos ng ‘submission’ sa United Nations Convention on the Law of the Sea’s Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS).

Aniya, ang kaparehong rekumendasyon ay isinagawa na noong nakalipas na administrasyon sa ilalim nina dating Pangulong Benigno Aquino III at Rodrigo Roa Duterte subalit wala naman ginawang aksyon.

Ani Batongbacal, sa nakalipas, naghain ang Pilipinas ng kahalintulad na ‘submission’ sa Commission sa kaso ng Benham Rise.

Matatandaang ipinagkaloob ng United Nations (UN) noong 2012 sa Pilipinas ang Benham Rise bilang extension ng continental shelf ng bansa.

Sa ulat, ang Benham Rise ay parte ng karagatan sa Philippine Sea na bahagi ng Pilipinas. Ito ay inaayunan ng United Nations Law of the Seas (UNCLOS). Opisyal na kinikilala ng UNCLOS na ang naturang karagatan ay bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas at nakapaloob sa exclusive economic zone ng Pilipinas bagamat hindi ito matatawag na teritoryo ng bansa.

May karapatan ang Pilipinas na tuklasin at anihin ang ano mang likas na kayamanan sa karagatang ito, tulad ng mga mineral at laman-dagat. Ito ay tinatayang nasa 250 kilometro sa silangan ng hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela. Kung literal na tatagalugin, ang ibig sabihin ng Benham Rise ay Talampas ng Benham. Kris Jose

Previous articleAccessible, adaptable na healthcare service siniguro ng DOH
Next article263 pamilya sa kalsada magba-bagong taon sa sunog na sumiklab sa Zambo