Home NATIONWIDE Eksperto nagbabala sa mga sakit na nakaamba sa gitna ng El Niño

Eksperto nagbabala sa mga sakit na nakaamba sa gitna ng El Niño

MANILA, Philippines- Maraming sakit ang maaaring maging laganap dahil sa El Niño phenomenon, sabi ni Philippine College of Physicians President at infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante noong Biyernes.

Ayon kay Solante, nakabatay ang kalusugan ng tao sa kung paano magluto kaya dapat panatilihing malinis ang kapaligiran kahit mayroon o walang El Niño dahil sa dengue.

Kailangan aniyang maghugas ng kamay bago kumain at siguraduhing ang pinagkukunan ng pagkain at tubig ay masusing nilinis.

Sinabi ni Solante na ang mga karaniwang sakit sa panahong ito ay mga sakit na dala ng pagkain at tubig tulad ng typhoid fever, salmonella, shigella, at hepatitis A, at iba pa.

Posible rin ang bacteria, viral, at parasitic na impeksyon tulad ng amoebiasis.

Ang mga sakit na dala ng vector tulad ng dengue at malaria ay karaniwan din sa panahon ng El Niño, ayon kay Solante.

Nagbabala si Solante sa heatstroke, lalo na sa mga senior citizen na “most vulnerable” umano sa ganitong kondisyon

Kabilang sa mga sintomas ng heatstroke ay sakit ng ulo, pagkahilo, hypertension, at hirap sa pagtulog, bukod sa iba pa, ayon kay Solante.

Para makaiwas sa heat-related condition, pinayuhan niya ang publiko na uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig, magsuot ng mga damit na may magaang tela, at umiwas sa sikat ng araw.

Noong Hulyo 4, 2023, idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño sa Tropical Pacific. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article250 pamilya apektado ng sunog sa Muntinlupa
Next articleChard, magsasampa ng child custody case!