Home NATIONWIDE Eksperto nagbabala sa negatibong epekto ng Manila Bay reclamation sa pangingisda, pagbaha

Eksperto nagbabala sa negatibong epekto ng Manila Bay reclamation sa pangingisda, pagbaha

MANILA, Philippines- Nagbabala ang mga eksperto nitong Miyerkules sa negatibong epekto sa kapaligiran at fishing industry sakaling magpatuloy ang reclamation projects sa Manila Bay.

Batay kay Dr. Eugene Herrera ng University of the Philippines (UP) National Hydraulic Research Center, makaaapekto ang 20,000-hectare reclamation projects sa daloy ng tubig sa Manila Bay, na na mayroon ding epekto sa salinity level sa mababaw na parte ng katubigan.

“‘Yung shallow areas of bays are breeding grounds for aquatic flora and fauna that depend on some salinity levels so may ganung environmental effect,” pahayag ni Herrera sa panayam.

Nagbabala rin siya ng posibleng pagbaha dahil maaaring maharangan ng construction projects ang daloy ng tubig mula sa Manila Bay patungo sa mga kalapit na ilog at watersheds.

“Isang timba ng tubig isang araw siya itatapon will not cause impact pero isang timba ng tubig in two seconds maiipon ang tubig saan mo siya tinapon?” dagdag ni Herrera.

Subalit, sinabi niya na maaari itong maiwasan kung ikokonsidera sa disenyo ang sapat na bilang ng daanan ng tubig.

“It should come with management or operation and maintenance. If you don’t regularly clean such channels or openings for flushing, through time, pwedeng limitado na discharge capacity,” patuloy niya.

Matatandaang pinasuspinde ni Pagulong Ferdinand Marcos Jr. lahat ng reclamation projects sa Manila Bay. RNT/SA

Previous articleVFA sa ‘major ally’ malapit sa Tsina, sinisilip ng DFA
Next articleLRT-1 Cavite extension nais pangasiwaan ni Manny Villar