Home HOME BANNER STORY El Niño may 90% tsansang magpapatuloy ‘gang 2024 – PAGASA

El Niño may 90% tsansang magpapatuloy ‘gang 2024 – PAGASA

536
0

MANILA, Philippines – Mayroong 90% tsansa na magpapatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2024 ang El Nino, ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Mayo 18.

“Nakikita natin na 90% chance na ang El Niño na mag-persist until the first quarter ng 2024,” pagbabahagi ni Thelma Cinco, hepe ng PAGASA Climatology and Agrometeorology Division kasabay televised public briefing.

Una nang inilabas ang El Nino alert noong Abril at inulit ngayong Mayo.

Ang El Niño ay nararanasan tuwing dalawa hanggang pitong taon, kadalasan ay pagkatapos ng La Nina, at tumatagal ng hanggang walong buwan.

Nakaaapekto ito sa agrikultura at food security ng maaapektuhang bansa, katulad na lamang ng naranasan ng Pilipinas noong 2018.

Umabot sa 300,000 magsasaka ang naapektuhan ng El Nino noon at umakyat sa P8 bilyon ang pinsala sa agrikultura.

Bagama’t pinapataas ng El Nino ang pagkakaroon ng below-normal rainfall conditions, sinabi ng PAGASA na inaasahan naman ang above-normal rainfall conditions kasabay ng Habagat season lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

“Tag-init pa rin pero towards end of May, tag-ulan na so huhupa na yung tag-init sa atin,” sinabi ni Cinco.

Aniya, mayroong 53% tsansa na ang malakas na lebel ng El Nino ay mararanasan sa katapusan ng taon.

Dahil dito ay inabisuhan ng PAGASA ang publiko na magtipid sa tubig maging sa paggamit ng kuryente. RNT/JGC

Previous articleDOH, kinalampag sa ‘mental health pandemic’
Next articlePolice intelligence officer itinumba sa GenSan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here