Home OPINION EL NIÑO PINAGHAHANDAAN NA

EL NIÑO PINAGHAHANDAAN NA

KAILANGAN nang maghanda ang lahat sa posibleng epekto ng El Niño kung saan nagsisimula nang nararanasan ng ilang lugar sa Norte kabilang ng mga lalawigan sa Cordilerra Administrative Region.

Bagaman nakararanas ngayon ng lamig ang mga probinsya ng Abra, Ifugao, Benguet, Mountain Province, Kalinga at Apayao bunsod sa nasa mataas na lugar ito at preskong simoy ng hangin dulot ng hanging Amihan subalit unti-unti nang nararamdaman ng mga tagaroon ang kakulangan ng suplay ng tubig.

Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, kapag hindi nagtipid sa pag-gamit ng tubig ang mga residente sa naturang mga lugar, posibleng mararanasan pa nila ang epekto ng kwaresma sa susunod na mga buwan na tinatayang aabot hanggang Abril.

Kaya naman agarang ipinatupad ng DSWD o Department of Social Welfare and Development  ang project LAWA o Local Adaptation to Water Access sa ilang rehiyon na inaasahang tatamaan ng El Niño upang banggain ang epekto nito lalo na sa mga magsasaka na pinaniniwalaang hindi maiiwasan ang tagtuyot sa mga pananim.

Kaakibat ng proyektong ito ang pagsasagawa ng pangmatagalang solusyon at makatotohanang pagtugon kaugnay sa masamang epekto ng El Niño kabilang ang pagpapatayo ng Small Farm Resevoirs at iba pang water impounding facilities kung saan naglalayong may sapat na suplay ng tubig ang mga nagtatanim para sa kanilang mga halamang itinuturing na pangunahing pagkain ng sambayanan.

Ang implementasyon ng project LAWA na sinimulang ipatupad noong nakaraang taon pa ay dahil sa pakikipagtulungan ng DSWD, Department of Agriculture at United Nation World Food Program kung saan sagot ng una ang pambayad sa mga trabahador ng water impounding facilities samantalang magbibigay naman ng teknikal na tulong ang pangalawang ahensya at materyales naman ang igagawad ng huli.

Kabilang ang proyektong ito ng DSWD na hinangaan ng taumbayan sa ilalim ng pamumuno ng aktibong kalihim ng kagawaran na si Rex Gatcahlian kung saan mas lalo pang pinaigting ang pagtulong sa mamamayan bukod sa pamimigay ng iba’t-ibang tulong lalo na sa sektor ng mahihirap na itinuturing na nasa laylayan ng komunidad.

Previous articleETO NA NAMAN
Next articleGYERA SA DROGA