Home NATIONWIDE El Niño posibleng tumagal hanggang Marso 2024

El Niño posibleng tumagal hanggang Marso 2024

MANILA, Philippines – Inaasahang tatagal pa hanggang Marso 2024 ang pag-iral ng El Nino, sinabi ng PAGASA nitong Miyerkules, Setyembre 27.

Dahil dito, inaasahan ang kakaunting ulan at mas mainit na panahon sa tag-init dahil sa kasabay ng El Nino.

Kabilang sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ay ang Ilocos Region, Cordillera, halos buong Central Luzon, Metro Manila, Cavite, Palawan, Guimaras, Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Cotabato, Davao de Oro, at Dinagat Islands, na pawang malaking bahagi ay agricultural areas.

Sa ika-164 Climate Forum, sinabi ng PAGASA na kasalukuyang nararanasan ang katamtamang El Nino sa gitnang bahagi ng Pacific Ocean at posibleng lumakas sa mga susunod na buwan.

Ang kasagsagan naman ng phenomenon na ito ay posibleng maranasan sa Nobyembre hanggang Enero.

Sinabi naman ni Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, na bagama’t wala pang tagtuyot ngayong buwan, ay may nararanasan nang dry spell sa Quirino, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato.

Nakararanas naman ng dry condition ang 19 na probinsya sa bansa. RNT/JGC

Previous articlePagdaloy ng lava sa bunganga ng Mayon, naitala!
Next articleMagna Carta for Seafarers, lusot na sa Senado