Home NATIONWIDE El Niño task force binuhay ni Marcos

El Niño task force binuhay ni Marcos

MANILA, Philippines- Nakatakdang maglabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order upang buhayin ang Task Force El Niño upang agad na tugunan at ibsan ang posibleng epekto ng dry spell, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes.

Sa Palace briefing, sinabi ni Teodoro na bibigyang-daan nito na makapaghanda ang bansa para sa inaasahang tagtuyot na tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024. 

Tututukan ng task force ang food security, water security, energy security, health, at public safety issues dahil sa epekto ng phenomenon.

Inaasahang lalagdaan ang EO at ilalabas sa pagtatapos ng linggo.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr., posibleng maramdaman ang epekto ng El Niño mula March hanggang May 2024. 

“El Niño will be covering the first to second quarter of 2024,” ani Solidum, nakatakdang magsilbing co-chair ng task force.

“The drought will peak again by April 2024, with 63 provinces possibly experiencing drought conditions and 12 provinces experiencing dry spell conditions,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articlePag-atake ng Israel sa Gaza walang humpay; Houthi nangakong patuloy na mananalakay sa Red Sea
Next articleMMDA naghahanda na sa ‘exodus’ ng mga pasahero bago mag-Pasko, long weekend