Home METRO Election period, gun ban magsisimula na bukas, Agosto 28

Election period, gun ban magsisimula na bukas, Agosto 28

637
0

MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Agosto 28 ang election period at gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections,sinabi ng Commission ng Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, handang-handa na ang komisyon at katunayan ay unti-unti nang maglalatag ang Philippine National Police (PNP) ng mga checkpoint mamayang gabi.

Sinabi ni Laudiangco na alas-12 ng hating gabi ay maglalagay na ng mga checkpoint sa buong bansa bilang hudyat na nagsimula na ang election period pati na rin ang gun ban.

Tatanggal ang Comelec ng certificate of candidacy (COCs) mula Agosto 28 Hanggang Setyembre 2 mula Lunes hanggang Sabado.

“Once nail-file po ang COC, awtomatiko po, agad-agad kayo’y ituturing na kandidato… Lahat po ng pagbabawal para sa election period, lumalapat na [po sa inyo], lalo na itong premature campaigning,” sabi ng opisyal patungkol sa mga aspiring candidates.

“Ang campaign period po ay October 19 hanggang October 28 lamang. Doon n’yo na po gawin lahat ng pangangampanya.”

Ipagbabawal ng Comelec ang pagdadala ng cash na P500,000 o higit pa mula Oktubre 25 hanggang Araw ng Halalan sa Oktubre 30, dagdag ni Laudiangco.

Ayon sa Comelec, kapag hindi naman maipaliwanag ang pagdadala ng pera ay doon ipagpapalagay na sila ay sangkot sa vote buying. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article100 distressed OFWs napauwi mula Kuwait
Next articleBatang lalaki utas sa e-bike sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here