Home NATIONWIDE Election plans ni VP Sara di pa natatalakay kay PBBM

Election plans ni VP Sara di pa natatalakay kay PBBM

MANILA, Philippines- Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules na hindi pa niya natatalakay ang kanyang plano para sa eleksyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang reaksyon ni Duterte sa pahayag ni Marcos kung saan sa tingin niya ay “She’s testing the waters” pagdating sa kanyang political plans.

“Hindi pa po kami nakakapag-usap ni President Marcos about elections,” wika ni Duterte sa isang panayam. Nauna nang idineklara ni Duterte ang intensyon niyang muling kumandidato sa eleksyon, subalit hindi tinukoy kung anong posisyon ang tatakbuahan niya o kung kailan ito.

“I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election,” aniya sa wikang Bisaya, na tinutukoy sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Nang tanungin kung may kinalaman ang deklarasyon niya sa isyu kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Duterte, “Hindi ako maka-speculate kung ano iniisip ni Speaker.”

“Hindi ko siya kilala nang malalim. Hindi malalim ang pagkakaibigan namin para mag-speculate ako,” dagdag niya.

“The very best description and comment kung ano ang relasyon namin ni Speaker Martin Romualdez ay galing kay Senator Imee Marcos—— marami ang hindi nakakaintindi, bakit inaatake mo ang kaalyado ng administrasyon?” 

Ipinahiwatig ni Marcos noong Martes na hindi sila magkasundo ni Romualdez dahil kampi siya sa Dutertes.

“Alam ko may tampo ‘yun sa ‘kin eh mula nung October dahil nga sinabi ko na pro-Duterte ako. Kasi gusto ko ngang masalba at huwag masira ang UniTeam,” wika ng presidential sister. 

Ayon kay Marcos, pinayuhan niya si Romualdez na huwag makipag-away sa mga Duterte dahil naging mabuti ang mga ito sa kanila.

Nasa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City si Duterte para sa paglulunsad ng School Mental Health Program at School-Based Feeding Program for 2024. RNT/SA

Previous articlePambansang protesta kontra People’s Initiative gugulong sa Davao
Next article2 Pinoy na naaresto sa Japan ‘di pa oras para magpiyansa –  DFA