Home ENTERTAINMENT Ellen, napikon sa “tutubi”!

Ellen, napikon sa “tutubi”!

Manila, Philippines – Pag siya ang nagbiro, okey lang? Pero pag siya ang biniro, hindi puwede?

Tila may double standard si Ellen Adarna when it comes to practical jokes being played on her.

Ang latest kasi ay ang pag-upload ng asawa niyang si Derek Ramsay ng video clip showing na kumakain siya.

Apparently, playfulness got the better of Derek.

Habang sarap na sarap si Ellen sa pagkain ay inilagay ni Derek sa balikat nito ang isang laruang tutubi.

Sa gulat with matching takot ay napamura tuloy si Ellen at muntik nang isaboy ang kanyang nilalantakan.

Siyempre, ikinaaliw ‘yon ng mga netizens pero binalaan nila si Derek on the price of his mischief.

Humanda raw si Derek dahil knowing Ellen ay hindi niya ito palalampasin.

Saulado na kasi ni Ellen what her husband is scared of.

For the record, Derek has katsaridaphobia or fear of cockroaches.

Kung matatandaan, minsan nang pinleytaym ni Ellen si Derek gamit ang laruang ipis.

Caught on video, napabalikwas si Derek na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa nang takutin ni Ellen.

Isa rin sa mga latest biruan ng mag-asawa ay nang ipost ni Derek ang litrato ni Ellen sa Instagram.

Natutulog ito sa likod ng sasakyan nang nakanganga.

Depensa naman ni Ellen, while she was on Clooud 9 for seven hours ay nasa impiyerno naman daw si Derek! Ronnie Carrasco III

Previous articleDalawang kaso ni Jay Sonza ibinasura ng dalawang korte sa QC
Next articleMakati-Taguig school ownership row ‘di pakikialaman ng DepEd