Manila, Philippines- Isa sa mga dinarayo sa Cebu ay ang Temple of Leah.
Ang nasabing istraktura ay ipinangalan sa lola ni Ellen Adarna, si Leah Albino Adarna.
Paglilinaw ng misis ni Derek Ramsey, hindi naman talaga itinayo ‘yon bilang pasyalan o tourist destination.
Ani Ellen sa isa sa kanyang mga Instagram Stories: “The temple named after my grandmother was built by her husband Teodorico Soriano Adarna as a storage for her belongings.”
Pero dahil nakakamangha ang architecture nito’y dinadayo raw ang templong ‘yon.
Napagpasyahan daw ng pamilya ni Ellen na tayuan na rin ng negosyo ito, even charging an entrance fee.
Kaso, isang netizen ang nagtanong kung bakit daw ang mahal ng entrance fee.
Paliwanag naman ng retired actress: “Kung alam n’yo lang kung gaano kalaki ang ginastos doon to make it look as it is now.”
Tila hindi pa rin kumbinsido ang netizen.
Ipinagpipilitan pa rin nito na kung maaari’y gawing affordable ang sinisingil sa pagpasok sa templo.
Obyus na nayamot na si Ellen kaya nakapagsalita siya ng: “Kung namamahalan ka, huwag kang pumunta! Ganu’n lang ‘yon kasimple!”
Hindi naman malinaw how much entrance fee which the Temple of Leah charges.
Showbiz circles are well aware na may-kaya ang pamilya ni Ellen sa Cebu.
May ilan din kasi silang negosyo sa Queen City of the South.
This very well explains why Ellen can afford to take a long break from showbiz work, kundi man habambuhay nang wala sa limelight.
Born with a silver spoon in her mouth, why would Ellen want to work her butt? Ronnie Carrasco III