Home ENTERTAINMENT Embryo ni Jennylyn, naka-standby!

Embryo ni Jennylyn, naka-standby!

258
0

Manila, Philippines – Gustuhin mang magsama nina Jennilyn Mercado at Dennis Trillo sa isang project ay hindi raw uubra sa ngayon.

Halinhinan kasi ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang anak, si Baby Dylan.

Sa ngayon, balik-taping si Jen kasama si Xian Lim.

Ito ‘yung naumpisahan na nilang teleserye but had to be stopped to give way to her pregnancy.

Samantala, tinatapos naman ni Dennis ang teleserye nila ni Bea Alonzo.

Kumbaga, on days na walang taping si Jen ay si Dennis ang naiiwan sa bahay to take care of their child, and vice versa.

More than a year old na si Baby Dylan, isn’t the couple thinking of having another baby?

Dito na nasingit ang usapin tungkol sa frozen embryo na naka-stand by lang in case gustong ipursige ng mag- asawa ang plano nila noon na surrogacy.

Matatandaang dahil maselan ang kalagayan ng aktres noon, the couple considered surrogacy na ginastusan pa nila.

Successfully, isa sa mga na-harvest na egg cells ni Jen ay umubra sa semilya ni Dennis.

Nakapili na rin sila ng surrogate mom nang biglang nagbuntis si Jen!

Aminado si Jen na over time ay nagkaroon na rin ng pagbabago sa kanyang katawan.

Before Dylan came into her life, isinilang muna niya si Alex Jazz nearly 15 years ago.

Alex is the actress’ son by Patrick Garcia.

So, posible pang magkaroon ng baby brother o baby sister si Dylan either ipagbubuntis ni Jen through natural method o sa pamamagitan ng surrogacy. Ronnie Carrasco III

Previous articleEdu at Cherry Pie, break na!
Next articleBataan inilagay sa state of calamity sa ASF outbreak

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here