Home Uncategorized Emergency loan funds siniguro ng GSIS sa hagupit ni #BettyPh

Emergency loan funds siniguro ng GSIS sa hagupit ni #BettyPh

164
0

MAAARING mag-avail sa emergency loan program ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro at pensioners nito na maaapektuhan ng bagyong Mawar.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso, sisiguraduhin nila na ang loan assistance ay magiging available sa lahat ng kuwalipikadong aktibong miyembro at old-age at disability pensioners base sa lugar kung saan maaaring maapektuhan ng fast-approaching typhoon.

“We have specifically earmarked PHP6 billion for our emergency loan budget this year to guarantee loan assistance to members and pensioners who need help during calamities,” ani Veloso.

Ang mga miyembro na mayroong existing emergency loan balance ay maaaring manghiram ng hanggang P40,000 para bayaran ang kanilang dating emergency loan balance at nananatiling nakatatanggap ng maximum net na nagkakahalaga ng P20,000.

Samantala, para naman sa mga walang existing emergency loans, puwedeng mag-apply ang mga ito ng P20,000. Ang mga pensiyonado ay eligible na mag- apply para sa loan na P20,000.

Ang GSIS emergency loan, na mayroong 6 percent interest rate, ay maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.

“The loan also includes a redemption insurance feature, which ensures that the balance will be deemed fully paid in the event of the borrower’s death, as long as payments are up-to-date at the time,” ayon sa GSIS.

“eligible emergency loan applicants must be active members, not on unpaid leave, with a minimum of three months’ paid premiums within the last six months,” ayon naman kay Veloso sabay sabing “They should also have no pending administrative or criminal case and maintain a net take-home pay of at least P5,000 after all mandatory monthly deductions.”

Samantala, ang mga miyembro na hindi kuwalipikado para sa emergency loan ay maaaring mag-apply sa ilalim ng Multi-purpose Loan Plus na mayroong maximum loanable na P5 million.

Ang mga GSIS pensioners ay mayroong alternative option para mag-apply para sa pinahusay na Pension Loan program, pinapayagan ang mga ito na makahiram ng hanggang anim na buwan na halaga ng kanilang pensiyon o hanggang P500,000. Kris Jose

Previous articleMga yosi pang-museum na – PMI CEO
Next articleMay sindikato, ‘wag magbigay ng limos – anti-poverty body

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here