Home Uncategorized Emergency loan rules itinakda ng GSIS

Emergency loan rules itinakda ng GSIS

MANILA, Philippines – NAGPALABAS ang state-owned Government Service Insurance System (GSIS) ng guidelines para sa pagbibigay ng emergency loans (EL) sa mga aktibong miyembro at pensiyonado nito.

Nakasaad sa memorandum na may petsang Nobyembre 22, 2023, sinabi ng GSIS na ang mga eligible borrowers ay makatatanggap ng emergency loans na nagkakahalaga ng P20,000, at iyong may mga existing o umiiral na EL accounts na nakaranas ng ibang valid emergency ay makatatanggap ng P40,000.

Ipinakikita sa pension fund na ang 6% interest rate, batay sa kalkulasyon, maaaring i-apply, magreresulta ng annual effective rate na 10.411%.

Idagdag pa rito, ang loan ay dapat na sa lehitimong dahilan na dadaan sa beripikasyon ng GSIS.

“Valid applicants for the EL are those who have encountered natural disasters such as typhoons, hurricanes, tornados, volcanic eruptions, earthquakes, tsunamis, flooding, drought, and other geologic processes,” ayon sa GSIS.

Hinggil naman sa pension fund, kailangan na mayroong written proclamation ng state of calamity na ipinalabas ng Office of the President (OP) o National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), o lokal na sanggunian.

Ang iba pang uri ng sakuna gaya ng pandemiya na nagdulot ng pinsala sa ekonomiya ay maaari ring makakuha ng EL, lalo pa’t mayroon silang written proclamation mula sa State of Public Health Emergency ng Office of the President (OP).

“Instances, wherein the emergency is not caused by natural or geologic calamities, like dengue, siege, etc., or an outbreak spread within the province or region, may submit a request from the local sanggunian for GSIS to enable the EL program,” ayon pa rin sa GSIS.

“Additionally, active members or pensioners are qualified to avail of the EL if they are bona fide employees of the government agency within the declared calamity area or a resident of a declared calamity area,” ayon pa rin sa ahensiya.

Tinuran pa ng ahensiya na ang miyembro ay maaaring isertipika para sa emergency loan kung sila ay hindi naka-“leave of absence without pay” at kung nabayaran na ng mga ito ang kanilang premium payments sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

Iyon mga may administrative cases at/o criminal charges ay malabong makakuha ng loan, maliban na lamang kung ang pending case ay may magaan na pagkakasala.

Idagdad pa, ang net take-home pay ng borrower matapos makakuha ng EL ay hindi dapat mas mababa sa “amount required” sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), matapos na ibawas ang lahat ng required monthly contributions.

Binigyang diin din ng pension fund na ang mga pensioners ay wala dapat na “outstanding loan” na ikakaltas mula sa kanilang monthly pension maliban na lamang sa kanilang pension loan, at dapat ay mayroon na net monthly pension matapos i-avail ang EL ng 25% ng kanilang basic monthly pension (BMP).

Maaaring mag-inquire ng emergency loan sa pamamagitan ng online filing sa kahit na anumang GW@PS kiosks sa anumang local GSIS offices, o GSIS Touch mobile app, o maaaring gawin over-the-counter. Kris Jose

Previous article18-anyos patay, 5 kasama sugatan sa banggaan ng motor
Next articleFire prevention sa mga komunidad muling tinulak ni Bong Go