Home NATIONWIDE Emergency powers sa Pangulo ‘di solusyon sa krisis sa kuryente – P4P

Emergency powers sa Pangulo ‘di solusyon sa krisis sa kuryente – P4P

327
0

MANILA, Philippines – Hindi masosolusyunan ng ibibigay na emergency powers sa Pangulo ang krisis sa kuryente, ayon sa isang koalisyon nitong Miyerkules, Mayo 17.

Sa pahayag, sinupalpal ng Power for People Coalition (P4P) ang panukala ng Department of Energy na amyendahan ang Electric Power Crisis Act of 1993 upang isama ang pagbibigay ng “emergency powers” sa Pangulo sa panahon ng krisis sa kuryente.

Kabilang sa probisyon ng panukala ay ang pagbibigay kay Pangulong Marcos Jr. at mga ilan pang opisyal niya, nang karapatang mag-apruba ng “temporary measures” upamg maresolba ang mga sobra-sobrang mga bayarin sa kuryente.

“Emergency powers are a cop-out. Even if used properly, it does not address the root causes of our annual power crisis. And so far, our history shows that the use of emergency powers just forces consumers to swallow higher electricity prices or lose electricity,” sinabi ni Gerry Arances, P4P convenor.

Ayon sa grupo, nag-ugat ang problema sa sektor ng enerhiya mula sa “the perennial yet barely penalized” na shutdown ng coal at fossil fuel power plants.

Ilan pang isyu ay ang pagiging luma na ng grid at pagiging dependent ng bansa sa imported fuel supply.

“It makes more sense for the government to confront these. Emergency powers are not necessary because we should not be having power crises in the first place,” anang convenor.

Hinimok naman ng P4P ang pamahalaan na sa halip ay tutukan na lamang nito ang pagpapaunlad sa indigenous renewable energy sources na naglalayon ng energy security. RNT/JGC

Previous articleTeves walang banta sa buhay, paranoid lang – Pamplona mayor
Next articleEx-QC Mayor Bautista naghain ng ‘not guilty’ plea vs P32M graft charges

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here