Home NATIONWIDE Emergency water interruptions inanunsyo sa Cavite, ilang bahagi ng Metro Manila

Emergency water interruptions inanunsyo sa Cavite, ilang bahagi ng Metro Manila

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services Inc. nitong Sabado, Enero 20, na nagpatupad ito ng emergency water interruptions dahil sa ‘’urgent network repair activity’’ sa Bagbag Pumping Station and Reservoir sa Quezon City.

Ang mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Bacoor City, Caloocan City, Cavite City, Imus City, Kawit, Las Piñas City, Makati City, Malabon City, Manila, Muntinlupa City, Navotas City, Noveleta, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, Rosario, at Valenzuela City.

Sinabi ng Maynilad na nagpadala na ito ng portable water sa pamamagitan ng mobile water tankers sa mga apektadong lugar.

Ayon pa rito, ang serbisyo ng tubig ay nagbalik 12:01 ng madaling araw nitong Linggo.

“We will provide an update should there be changes to this,” saad sa pahayag ng Maynilad.

“We apologize for the inconvenience,” dagdag pa nito. RNT/JGC

Previous articlePagsakay ni PBBM sa presidential chopper sa concert ng Coldplay, ‘for safety reasons’
Next articleMga opisyal ng barangay na sumali sa Cha-cha signature drive, kakastiguhin ng DILG