MANILA, Philippines – Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako na bisitahin ang PIlipinas sa pakikipagpulong niya sa mga ito sa Tokyo.
Sa isinagawang Royal Audience, ipinaabot ni Pangulong Marcos ang pamamahal at paghanga ng mamamayang Filipino kabilang na ng 300,000 Filipino na kinokonsidera ang Japan bilang kanilang pangalawang tahanan.
Ang mga magulang ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda R. Marcos, ay mainit na sinalubong ng Imperial Couple nang lumapag ang mga ito sa Japan para sa kanilang unang official visit noong 1966.
Sa kabilng dako, si Pangulong Marcos ay nasa Japan para sa kanyang 5-day official visit kung saan may 7-key agreements ang nakatakdang tintahan sa larangan ng humanitarian assistance at disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.
Nauna rito, nakakuha naman si Pangulong Marcos ng bilyong pisong halaga ng investment pledges mula sa Japanese companies na may kaugnayan sa semi-conductors, electronics at wiring harness.
“At least 10,000 jobs are projected to be generated by these investments, ” ayon sa economic team ng Pangulo. Kris Jose