Home METRO Empleyado nagbigti sa araw ng Pasko

Empleyado nagbigti sa araw ng Pasko

MANILA, Philippines – Hindi na nakapagdiwang ng Pasko ang isang empleyado matapos nitong wakasan ang kanyang buhay sa araw mismo ng Pasko.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, natagpuan na lamang na nakabitin gamit ang nylon cord ang 25-anyos na biktimang hindi na pinangalanan, at residente ng Barangay 26, Zone 2, Tondo, Maynila.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima na pumasok sa utility room alas-5:30 ng umaga nitong Lunes, Disyembre 25.

Ilang minuto lamang ang nakalipas nang pumasok naman ang live-in partner nito sa utility room at nagulat na lamang nang makita ang biktima na nakalambitin sa kisame dahilan para magpasaklolo sa ilang tao sa lugar.

Naisugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktima ngunit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Sa kasalukuyan ay inalaam pa ng pulisya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima na umano’y balak pa sanang umuwi sa kanilang probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article6,500 aftershock naitala sa M-7.4 na lindol sa Surigao
Next articleGuro nilamon ng dagat sa Pangasinan