Home METRO Empleyado ng munisipiyo, arestado sa droga

Empleyado ng munisipiyo, arestado sa droga

236
0

MISAMIS ORIENTAL- ARESTADO ang isang kawani ng munisipyo matapos mahulihan ng malaking halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon sa Gingoog City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Medel Asetre Arao III, empleyado ng Gingoog City hall at residente sa nasabing lungsod.

Batay sa report ng Gingoog City at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Misamis Oriental, nadakip ang suspek noong Biyernes sa Veterans St., Purok 5, Barangay 17 , ng naturang lungsod.

Advertisement

Nakuha kay Arao III ang nasa 10 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng ₱68,000.00.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa talamak na bentahan ng illegal na droga ng suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. 14Mary Anne Sapico

Previous articleSta. Cruz, Maynila isinailalim sa state of calamity!
Next articleKartel nagdidikta pa rin sa presyo ng asukal – Hontiveros

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here