Employers ng FTDs sa Europa, dapat magbigay ng insurance coverage – POEA

Employers ng FTDs sa Europa, dapat magbigay ng insurance coverage – POEA

June 29, 2020 @ 5:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Dapat magbigay ng accident insurance coverage ang mga banyagang employer ng Filipino truck drivers (FTDs) sa Europa para sa kanilang mga manggagawa at comprehensive vehicle insurance sa buong kontrata, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) nitong Lunes.

Ayon sa Memorandum Circular No. 14 series of 2020, sinabi ng ahensya na kabilang ito sa mga karagdagang requirement para sa pagpapadala ng FTDs na dumadaan sa mga teritoryo sa buong rehiyon at upang masigurong maayos at ligtas ang kanilang working condition.

Ayon sa ahensya, dapat magsumite ng beripikado o authenticated na addendum ang principal o employer ng FTDs sa employment contract sa land-based center sa pamamagitan ng kanilang Philippine private recruitment agencies para sa request for accreditation ng mga ito.

Obligado rin ang employer na i-secure ang driver’s license nang hindi naniningil ng anumang gastusin, maging ang pagbibigay ng patuloy na allowance mula sa petsa ng pag-alis ng driver mula sa bansa, habang kumukuha ng lisensya.

“FTDs must be provided with appropriate personal protective equipment (PPE) sets to ensure compliance with minimum health standards and quarantine protocols set by the countries included in the itineraries,” dagdag nito.

Samantala, sinabi ng ahensya na makikipagtulungan ito kasama ang ibang opisina ng Department of Labor and Employment sa pagbuo ng kumprehensibong pre-departure orientation seminar para sa FTDs. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...