Home NATIONWIDE End-to-end encryption ng Messenger, Facebook chats ikakasa ng Meta

End-to-end encryption ng Messenger, Facebook chats ikakasa ng Meta

SAN FRANCISCO, California- Inanunsyo ng tech giant Meta nitong Huwebes na ikakasa nito ang matagal nang pangakong end-to-end encryption ng chats at calls sa Messenger at Facebook.

Kasunod ang pinaigting na kampanya laban sa “snooping” ng pagdepensa ng US company laban sa lawsuits na umaakusa riot ng pagiging misleading ukol sa kaligtasan ng family of apps at pagiging “breeding ground” para sa predators na tuma-target sa mga bata.

Nakikipagtulungan ang Meta sa experts, academics, advocates, at governments upang matukoy ang mga banta “to ensure that privacy and safety go hand-in-hand,” ayon kay Messenger head Loredana Crisan sa isang post.

“We’re thrilled that after years of investment and testing, we’re able to launch a safer, more secure and private service,” ayon pa kay Crisan.

Ang end-to-end encryption ay magiging default at sasaklawin ang abilidad na mabago ang mga mensahe o awtomatikong mawala ang mga ito 24 oras matapos maipadala, ayon kay Crisan.

Mula 2016 ay mayroon nang opsyon para i-encrypt “end-to-end” ang Messenger chats, subalit kailangan pa itong i-on ng users. RNT/SA

Previous articleHigit 800 aplikante natanggap sa DOLE job fair
Next articlePCG nakipag-ugnayan sa Tsina sa OccMin maritime incident