Home ENTERTAINMENT ENHYPEN may guesting sa ‘Good Morning America’

ENHYPEN may guesting sa ‘Good Morning America’

SOUTH KOREA – Umaga pa lang ay paiinitin na ng South Korean group na ENHYPEN ang kanilang mga fans sa Estados Unidos.

Ito ay dahil sa inaasahang guesting ng grupo sa sikat na morning program ng ABC na “Good Morning America” on November 24.

Ayon sa Belift Lab, inaasahang tutugtugin ng ENHYPEN ang English version ng kanilang awiting “Sweet Venom.”

Bago ang kanilang morning show appearance, lalahok din ang ENHYPEN sa ‘Macy’s Thanksgiving Day Parade’, isa sa mga itinuturing na oldest Thanksgiving parades sa Estados Unidos. RNT/JGC

Previous articlePCG nagsagawa ng rescue ops sa matinding pagbaha sa Samar
Next articleThailand pinatutulad sa Pinas sa mas ligtas na tobacco alternatives