Home NATIONWIDE Enrile nakakuha ng P100K cash incentive

Enrile nakakuha ng P100K cash incentive

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian nitong Huwebes, Pebrero 15 na nakakuha ng P100,000 cash gift si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kasabay ng seleberasyon niya ng ika-100 kaarawan nitong Miyerkules.

”Yes. As awarded yesterday,” ani Gatchalian.

Ang cash gift ay mandato ng Centenarians Act of 2016.

Sa kaparehong araw, nagdaos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng birthday lunch para kay Enrile, kung saan kinilala siya sa serbisyo niya sa bansa.

Tinawag pa ni Marcos si Enrile bilang “pantheon of Philippine history.” RNT/JGC

Previous articleSuspected Al-Qaeda financier, ISIS supporter arestado sa Sulu
Next articleLalaki patay sa riding in tandem