Home NATIONWIDE Enrile nakatanggap na ng P100K cash incentive – DSWD

Enrile nakatanggap na ng P100K cash incentive – DSWD

MANILA, Philippines – NAKATANGGAP si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ng 100,000 cash gift mula sa Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanyang pagdiriwang ng ika-100 taong kaarawan noong Pebrero 14.

‘Yes. As awarded yesterday,”ang pagtiyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Ang cash gift ay nakamandato sa Centenarians Act of 2016.

Iginagalang kasi ng Centenarian Program ng pamahalaan ang mga matatanda at kinikilala ang mahalagang kontribusyon na nagawa ng mga ito sa lipunan sa nakalipas na dekada.

Para naman kay Enrile, pinasalamatan naman nito ang mga magulang ni Pangulong Marcos na si dati at namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos, sabay sabing ang naging serbisyo aniya niya sa dalawang administrasyong Marcos ang pinakamasayang sandali ng kanyang buhay.

”I would like to thank your father and your mother for what they did to make me what I am today before you,” ayon kay Enrile sa isang kalatas.

”The happiest moment of my life was when I served the first presidency of a Marcos President and the second time is now that I’m serving the son of that president, our President Bongbong Marcos,” ayon pa rin kay Enrile.

Previous articleNTF-ELCAC para sa kapayapaan at karapatang pantao – Catura
Next articleCSC muling nagbabala sa ‘di awtorisadong paggamit ng kanilang pangalan, logo