Home NATIONWIDE Enrollees para sa SY 2023-2024, 11.8M na – DepEd

Enrollees para sa SY 2023-2024, 11.8M na – DepEd

MANILA, Philippines- Mahigit isang linggo mula nang umarangkada ang enrollment period sa public schools, iniulat ng Department of Education (DepEd) ang mahigit 11.8 milyong estudyabte na nag-enroll para sa School Year (SY) 2023-2024.

Batay sa enrollment data ng DepEd, hanggang alas-2 nitong Aug. 16, 11,820,159 mag-aaral ang nagpatala para sa darating na school year, na magbubukas sa public schools sa Aug. 29.

Base sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024, naitala sa National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na enrollment sa 1,816,469 mag-aaral. 

Sinundan ito ng Region IV-A sa 1,762,095 mag-aaral at Region III sa 1,378,741 estudyante.

Nagpaalala naman ang DepEd sa mga magulang, guardians, at mag-aaral na bukas ang enrollment period hanggang Aug. 26.

Gayundin, nag-abiso ang DepEd sa mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) na maaari silang magparehistro sa kani-kanilang barangay, community learning centers, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. RNT/SA

Previous article‘Record-high’ na ani ng palay, inaasahan ngayong taon – DA
Next article501 ektarya ng lupain sa Iwahig Prison tataniman