MANILA, Philippines- Inumpisahan ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang enrollment para sa for School Year 2023-2024, tatlong linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng klase sa buwang ito.
Base sa DepEd Order 22 na nilagdaan ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte, ang enrollment para sa darating na academic year ay mula August 7 hanggang 26, 2023.
Inaasahan ng DepEd na tatataas ang bilang ng enrollees mula 28.7 milyon sa 28.8 milyon, base kay DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa sa panayam nitong Linggo.
Mayroong halos 28.4 milyong estudyante sa 44,931 public schools at 12,162 private schools sa nakaraang academic year.
Kasao ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa buong bansa sa August 29.
Magsasagawa ang DepEd ng Brigada Eskwela Program — ang nationwide school maintenance program — sa August 14 hanggang August 19, kung saan ang national kick-off ay aarangkada ngayong Lunes. RNT/SA