Home NATIONWIDE Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa – DepEd

Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa – DepEd

MANILA, Philippines- Nananatiling mababa ang enrollment para sa kasalukuyang school year.

Base ito sa pinakabagong datos mula sa Department of Education (DepEd).

Hanggang nitong Biyernes, makikita sa datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa school year 2023-2024 na umabot pa lamang sa 26,895,079 ang kabuuang bilang ng registered students para sa kasalukuyang school year.

Ang tatlong pangunahing rehiyon na may mataas na bilang ng enrollment ay ang Region IV-A na may  3,909,872 estudyante, sinundan ng Region III na may 2,955,216 at National Capital Region (NCR) na may 2,777,408.

Sakop ng enrollment data ang mga mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUSCs) na nag-aalok ng basic education at iyong nag-enroll sa  Philippine schools overseas.

Kabilang din sa enrollment data ang mga nagparehistro sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Ayon sa DepEd, mayroong 330, 216 mag-aaral ang rehistrado sa ilalim ng ALS ngayong school year.

Sa kabilang dako, sa isinagawang paglulunsad sa 2023 Oplan Balik Eskwela, sinabi ng DepEd na inaasahan na nito na iwe-welcome ang 28 million learners sa 47,000 schools nito sa buong bansa.

Pormal na binuksan ang klase para sa SY 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa noong Agosto 29.

Nang hingan ng komento ang DepEd kung bakit mababa ang pigura ngayon ng mga nag-enroll, makailang-ulit na sinabi ng departamento na ang  enrollment ay isang “running number” at inaasahang marami pang late enrollees.

Samantala, base sa enrollment data noong nakaraang taon,  mahigit 28 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa basic education. Kris Jose

Previous articleNAIA magiging ‘world-class’ airport sa ilalim ng PPP scheme modernization – transport chief
Next articleMenor-de-edad na napagkamalang murder suspect, bugbog-sarado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here