Home OPINION “ENTRY-PINOY” NG BALIKATAN SA KAUNLARAN, MULING INILUNSAD

“ENTRY-PINOY” NG BALIKATAN SA KAUNLARAN, MULING INILUNSAD

Pinangunahan ni BSK o Balikatan sa Kaunlaran Chairperson Emeritus Guia Gomez ang paglagda ng isang kontrata sa pagitan ng BSK National Foundation at Robinsons Land Corporation patungkol sa muling paglulunsad ng programang EntrePinoy ng BSK na ginanap kamakailan sa San Juan city.

Lumagda bilang kinatawan ng BSK sina EntrePinoy prog­ram chairperson Rosario Charo) Yu at executive vice President Joan Corpus Araneta habang ang kinatawan naman ng RLC ay sina senior marketing director Jess Zulueta III at marketing manager Ana Palenzuela.

Dumalo rin ang kinatawan ng LDR Events Solution na si managing director Lucette Dela Rosa bi­lang saksi at kasama sa pagsasanib puwersa upang itaguyod ang EntrePinoys.

Ang EntrePinoy ay isang programang matagumpay na naipatupad noong dekada 90 sa pamumuno ng dating BSK national president Guia Gomez. Ang Programang ito ay naging makabuluhan sa buhay ng mga maliliit na EntrePinoy na umunlad ang pamilya dahil sa mga munting negosyo sa kanilang bahay at komunidad.

Sa tulong ng RDC and LDR Events Solution, pinaniniwalaan ng BSK na muling magiging matagumpay ang pagpapatupad ng programang ito.

Gaganapin ang paglulunsad ng programa sa pamamagitan ng tatlong araw na EntrePinoy Expo sa darating na February 23 hanggang February 25, 2024 sa Level 4, EDSA Wing, Robinsons Galleria, EDSA corner Ortigas Avenue, Quezon City.

Ang Expo na may temang “Likhang Balikatan 2024” ay magbebenta lamang ng mga produkto na gawang Pilipino. Ito ay lalahukan ng EntrePinoys na magmumula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng bansa.

Ito ay bukas para sa lahat na may hangarin na suportahan ang gawang sariling atin. Ang pagdalo sa Expo ay libre para sa lahat. Inaanyayahan ng BSK ang Councils at Chapters nito na dumalo sa nasabing okasyon. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang official Facebook Page ng Balikatan sa Kaunlaran National Foundation. Para sa mga katanungan, tumawag sa LDR Events Solution sa numero 0998-9715373.

Previous articleKaso ng COVID, influenza-like illnesses patuloy na bumababa – DOH
Next articleTIANGCO BROS, 2023 OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS