Home NATIONWIDE Environmental Protection Order inilabas ng SC pangproteksyon sa mga bundok sa Mt....

Environmental Protection Order inilabas ng SC pangproteksyon sa mga bundok sa Mt. Province

MANILA, Philippines – Ipinatigil ng Supreme Court (SC) ang mga nagaganap na pagbubungkal, bulldozing, at lahat ng aktibidad sa paglilipat ng lupa na nagiging sanhi ng malubhang pinsala sa isang forest zone sa Sabangan, Mountain Province.

Sa desisyun ng SC Second Division ibinasura ang mga petisyun ng mag-asawang Robles at Rose Maliones na umaangkin sa naturang lupain. Pinaboran ng SC si Mario Timario at maraming iba pa na naghain ng citizen suit laban sa mag-asawa dahil sa mga paglabag niyo sa environmental laws.

Sa rekord ng kaso, taon 2015 ng maghain ang mga complainants ng petisyun laban sa mga Maliones dahil sa iligal na pag-okupa ay pagsisira sa ilang bahagi ng kagubatan sa Barangay Data, Sabangan.

Nakasaad sa citizen suit na ipinaputol ng mga Maliones ang mga puno, nag kaingin at gumamit ng mga fertilizers at pesticides na nakasisira sa ilang bahagi ng lugar. Ibinawal na rin ang ilang residente na magamit ang bahagi ng lupain dahil sa pag-aangkin ng mag-asawa sa lupa.

Sa desisyun ng SC pinagtibay nito ang naging findings ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals na lumalabag sa
environmental laws partikular sa Revised Forestry Code ang mga Maliones na nagdudulot ng panganib sa buhay, kalusugan at maging sa ari-arian ng mga residente ng Barangay Data, Sabangan, Mountain Province.

Wala rin maipakitang ebidensya ang mag-asawa na mayroon silang ligal na permits para iokupa at gumawa ng mga aktibidad sa inaangkin na lupain.

Dahil dito naglabas ang SC Second Division ng environmentall protection order para matigil ang lahat ng aktibidad sa naturang lupain.

Inatasan ng SC ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Cordillera Administrative Region office na bantayan at mag-patrolya sa lupain upang matiyak na hindi na maulita ang iligal at mapanirang mga aktibidad.

“Guard and patrol the subject area to prevent the repetition of illegal and destructive activities and cause the apprehension and prosecution of all violators; and Perform all needed measures to ensure the protection and preservation of the environment.” nakasaad sa desisyun.

Pinagsabihanrin ng SC ang Punong Barangay ng Data, Sabangan, Mountain Province na gawin ang mandato nito na tumulong sa pagpapatupad ng environmental laws. Teresa Tavares

Previous article86-anyos na PDL pinalaya
Next article₱30 minimum fare sa dyip kailangan pambawi sa pinambili ng P4M modern jeep