Home NATIONWIDE EO 39 suportado ng Soccsksargen, BARMM rice traders

EO 39 suportado ng Soccsksargen, BARMM rice traders

199
0

MANILA, Philippines – Suportado ng mga rice trader sa Soccsksargen (Region 12) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Executive Order (EO) No. 39, na naglalagay ng price ceiling sa regular at well-milled rice sa bansa.

Sa panayam, sinabi ni Bai Sandra Upam, isang rice stall owner, na malaking tulong ang EO 39 bilang short-term measure “to prevent skyrocketing prices of our staple food.”

Maging ang mga retailers umano katulad niya ay umaasa na bababa ang presyo ng bigas.

Hinimok ni Upam ang pamahalaan na parusahan ang mga lalabag sa EO 39 na layong pigilan ang hoarding ng suplay ng bigas.

“Unscrupulous traders may resort to hoarding so that prices will go up further,” aniya.

Ang EO 39 ay ipinatupad nitong Martes, Setyembre 5, na nagtataka sa presyo ng regular milled rice na hindi lalampas sa P41 kada kilo, at well-milled rice na hindi lalampas sa P45 kada kilo.

“We are all for it. The stabilizing or rice prices would be fair to everybody,” sinabi naman ni Tahir Sandik, isa ring rice vendor.

“Penalties of up to PHP1 million await violators according to news reports. It’s a wake-up call for violators,” dagdag pa ni Sandik.

Ayon kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, bumuo na ang lokal na pamahalaan ng “Local Price Watch Team” para i-monitor ang pagsunod ng mga rice traders sa Executive Order. RNT/JGC

Previous articlePag-eespiya ng DepEd sa mga estudyante, guro ikinabahala ni Hontiveros
Next articleGIP, TUPAD beneficiaries may diskwento sa gamot sa piling botika sa Davao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here