Home OPINION EO-41 NI PBBM, SINASALAULA’T BINABABOY (Part 1)

EO-41 NI PBBM, SINASALAULA’T BINABABOY (Part 1)

KINONDENA ng mga nababahalang truck owner ang umano’y garapalang pagsuway sa   Executive Order 41 na inilabas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,Jr. ng ilang tiwaling opisyal at kawani ng Manila City government.

Inisyu noong setyembre 25, sa pamamagitan ng naturang EO, ipinag-utos ng Pangulo sa Local Government Units ang  suspensyon  ng ‘pass-through collection fees’ sa mga truck at delivery vehicle na dumadaan sa kanilang lugar.

Isinasaad sa kautusan na ipinagbabawal sa LGUs ang pangogolekta ng  toll fees at charges sa trucks o behikulo na nagbibiyahe ng goods o merchandizes na daraan sa national roads at iba pang kalsada na hindi nila ginawa o pinondohan.

Ipinagbawal din ang pangongolekta ng sticker, discharging, delivery, market, toll at entry fees o mayor’s permit fees sa lahat ng behikulong dumadaan sa kahit anong local public roads na ginawa at pinondohan ng LGUs.

Ang layunin ng kanyang desisyon na suspendihin ang ‘pass-through fees’ ay upang mapagaan ang pagsasakatuparan ng takbo ng negosyo ngayong ang bansa ay nahaharap sa  tumataas ng presyo ng bilihin, ayon  kay Pangulong Marcos.

Kaagad namang tumalima ang iba’t ibang samahan ng mga nakaluklok na halal na opisyal ng bayan sa buong  bansa  – unang nag-isyu ng resolusyon, nagpahayag ng mahigpit na pagsuporta ang Union of Local Authorities of the Philippines  sa pangunguna ni ULAP national President Governor Dax Cua, ng Quirino Province.

Sinundan ng League of Municipalities of the Philippines, Vice Mayors League of the Philippines at Councilors League of the Philippines na nagpalabas din ng kanilang resolution of support sa EO – 41.

Ang Metro Manila Council, ang policy making body ng  samahan ng mga alkalde ng 17 LGU ng National Capital Region  ay nag-isyu rin ng resolution (23-15) na nagpapahayag ng pagsunod at suporta sa EO ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government  Secretary Benhur Abalos, ang LGUs na hindi tatalima at  babalewala sa naturang  kautusan ng Presidente ay may katapat na parusa na nakasaad sa Local Government Code.

Sa gitna ng tumataas na inflation rate, ang EO – 41 ang nakikitang maaring solusyon  para ma-counter o matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaya  kapuri-puri ang all out support na ipinakita ng ULAP, LMP, VMLP, PCL at  Metro Manila mayors. (May karugtong)

 

Previous articleVALENTINE’S DAY, MAHALAGA
Next articleTsina sinita ng DFA sa ‘maling representasyon” ng batas, katotohanan sa SCS