Home NATIONWIDE EO para sa mas mababang taripa sa e-vehicles bubusisiin

EO para sa mas mababang taripa sa e-vehicles bubusisiin

MANILA, Philippines- Simula ngayong Miyerkules, Pebrero 21, sasailalim sa mandatory review ang Executive Order na nagkaloob mas mababang tariff rates para sa “electric vehicles, parts, at components” nito.

Sa ilalim ng Executive Order 12 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagrebisa sa mas mababang tariff rates para sa electric vehicles at mga bahagi nito na sa ngayon ay nasa 0% import duty ay naka-mandato.

Alinsuno ang rates sa mga nagpatupad sa Most Favored Nations (MFN), at kumpara sa nakalipas na 5% hanggang 30% import duties, subalit exempted naman ang motorsiklo na sinasabing nananatiling ‘subject’ sa 30% na taripa.

Sa naturang kautusan, ang tanging exempted lamang ay ang two-wheeled electric vehicles na hanggang 250 watts na mayroong maximum speed na 25 kilometers kada oras mula sa import duties.

“The MFN tariff rates shall be subjected to review after one year from the implementation of this Order,” ang nakasaad sa Executive Order, nilagdaan noong Enero 13, 2023 at naging epektibo noong Pebrero 20, 2023.

“For this purpose, the NEDA (National Economic and Development Authority) shall submit to the President, through the Office of the Executive Secretary, its findings and recommendations on the matter,” dagdag nito.

Sa ulat, inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang electric vehicle (EV) industry ng bansa. Ang panukalang House Bill No. 9573 na amyendahan ang Republic Act No. 11697, o ang “Electric Vehicle Industry Development Act” (EVIDA) ay isinulong ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na balasahin ang tax and duty treatment ng electric vehicles at matugunan ang mga kritikal na isyu na kinakaharap ng bansa.

Pangunahing layunin ng panukala na matupad ng Pilipinas ang commitments nito sa international community sa ilalim ng Paris Agreement at mabasan ang pagdepende ng bansa sa fossil fuels.

Binigyang-diin ni Salceda sa kanyang panukala ang pangangailangan na lumipat sa sustainable alternatives sa harap ng tumataas na net petroleum import bill, na mula USD11.57 billion noong 2021 ay sumirit sa USD19.02 billion noong 2022.

Iginiit ng kongresista na ang electric vehicle sector ang ‘key player’ sa pagkamit ng paglipat na ito.

“While the EVIDA has successfully propelled a six-fold increase in electric car sales in 2023 compared to 2022, limitations in the law have excluded two-wheeled electric vehicles from crucial fiscal incentives,” sabi ni Salceda.

Kabilang sa pinaaamyendahan sa panukala ang redefinition ng electric vehicles upang tahasang maisama ang two-wheeled vehicles sa saklaw ng R.A. No. 11697.

“Some 60% of electric vehicles in the country fall into the two-wheeled category, making their exclusion from tax incentives inequitable. Additionally, two-wheeled electric vehicles are highlighted for their affordability and potential to address congestion issues,” pagbibigay-diin ng mambabatas mula sa Bicol sa kanyang panukala. Kris Jose

Previous articleHustisya para sa Mindoro oil spill victims hirit ng CBCP
Next articleHontiveros kay Quiboloy: ‘Wag pa-victim’