
MANILA, Philippines – IPALALABAS sa pagtatapos ng taong 2023 ang bagong executive order (EO) upang matiyak ang “good implementation” ng ruling ng Korte Suprema hinggil sa Mandanas-Garcia case.
Ang pahayag na ito ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay binanggit niya sa idinaos na 4th general assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga.
Sa naging talumpati ng Pangulo, siniguro nito na isasama ng kanyang administrasyon ang local government “in all of our plans.” Idagdag pa na magkakaroon ng serye ng konsultasyon sa local executives.
“Kailangan maging mahusay ang coordination between the local and national government. Asahan ninyo na you are not working in a vacuum. You are not working in a vacuum. We are watching, we are asking, we are consulting with you,” ang sinabi ng Pangulo sa mga gobernador.
“And in that way, we will come out with a good EO at the end of the year for a good implementation of the very important Supreme Court decision now we call the Mandanas ruling to even further strengthen the coordination and the partnership between the local government and the national government,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Muli namang kinilala ng Punong Ehekutibo ang “full devolution” ng ilang tungkulin ng executive branch sa local government units (LGUs), na nakasaad sa umiiral na EO 138, na maaaring hindi na nagawa.
Ang EO 138 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2021 para tiyakin ang implementasyon ng Supreme Court ruling sa Mandanas-Garcia case at palakasin ang awtonomiya at kapangyarihan ng LGUs.
Sa ilalim ng EO 138, ang tungkulin, serbisyo at pasilidad ay dapat na “fully devolved to the local government” na hindi matatapos ang taong 2024.
Sa ngayon aniya ay kinikilala na ng administrasyong Marcos ang tungkulin na para lamang sa LGUs, at maging ang serbisyo na isasagawa ng national government.
Tinuran pa rin nito na may mga “hybrid” areas gaya ng pangkalusugan at edukasyon na kailangan na sanib-puwersang trabahuhin ng national at LGUs.
“I think that’s the right way to do it na ang titignan natin, talaga naman very easily identifiable ang mga services na dapat talaga eh manggaling sa probinsya,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Meron din diyan na hybrid. Hindi lang probinsya . It is supposed to be a joint effort between the province and the national government. So, that is what we are trying to calibrate,” dagdag na wika nito.
TInatrabaho rin aniya ng national government ang pagbibigay ng “extra” funding para sa LGUs.
“This emphasized the importance of giving the local governments a “breathing room” in carrying out their mandate,” ayon sa Pangulo.
“It does not mean na walang made-devolve. Merong mga made-devolve na functions pero ang kaibahan dito, yung pag-devolve na functions, may kasabay na item, may kasabay na funding, may kasabay na trainin,” aniya pa rin.
“The original concept was mabigyan ng extra funding ang mga local government, lalo na ‘yung mga highly dependent sa IRA [Internal Revenue Allotment]),” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Mandanas ruling, ang national government ay may mandato na palawigin ang share ng LGUs sa tax collection.
Sa kabilang dako, ang LGUs ay required naman na hawakan ang responsibilidad ng pag-operate sa social services gaya ng “agriculture, connectivity at health” sa loob ng kanilang hurisdiksyon.
“The ruling is a result of two separate petitions filed by Batangas Governor Hermilando Mandanas and former Bataan governor Enrique Garcia Jr., requesting that the basis of computation of the LGUs’ IRA be adjusted to include national taxes,” ayon sa ulat.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang kanyang administrasyon ay nasa “right” track, lalo pa’t hangad nito ang mahigpit na pakikipagtulungan at kolaborasyon sa LGUs.
Naniniwala rin siya na makagagawa ng progreso ang pamahalaan sa laban nito sa korapsyon lalo pa’t inilatag nito ang malinaw nitong inisyatiba.
“There is no slippage. There is no wastage. Even the level of corruption will go down because very, very clear ang gusto nating gawin,” aniya pa rin.
“I think we are headed in the right direction. We will get there. With your help, we will get there. This will be to the benefit of all our constituents. So, let’s keep that partnership strong and let’s work hard. And I’m sure that we will succeed to the benefit of those who are in need of our help and of our services as public servants,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Kris Jose