MANILA, Philippines – Maaaring maranasan ng Pilipinas ang epekto ng El Niño sa supply ng bigas simula sa ikalawang quarter ng susunod na taon, sinabi ng Department of Agriculture (DA).
“Iyong impact natin na tinitingnan will be by second quarter kasi ang forecast natin for the El Niño is itong dry season na nag-ii-start na, it will end March next year meaning planting na ngayon ay nag-start na ‘yung ibang areas most probably magha-harvest na sila by January, February,” anang Direktor ng Field Operations Service ng DA na si U-Nichols Manalo sa panayam ng CNN Philippines.
Sinabi ng DA kung ang pag-ulan sa isang normal na buwan ay naging mas mababa sa average, ang supply ng tubig sa mga lugar ng patubig ay maaaring makompromiso.
“But tingnan muna natin ‘yung months pagpasok ng January Luzon areas natin especially Northern Luzon ito na rin ‘yung parang pa-summer season so historically dry siya so ‘yung crops diyan being grown mangga, sibuyas, bawang, tabaco kapag nando’n siya sa period na flowering vegetative na ‘pag nabasa siya ng ulan nababad ng water nasisira siya so ibig sabihin ‘yung climate na medyo pa-dry favorable sa areas na ‘yun,” ani Manalo.
Binanggit din ng ahensya ang inisyal na ulat ng National Irrigation Administration (NIA) tungkol sa posibilidad ng kakulangan sa supply ng tubig sa 122 ektarya ng lupang sakahan.
Batay sa tala ng DA, maaaring ang palay at mais ang pinaka-apektadong pananim.
Para masolusyunan ito, nauna nang sinabi ni Romualdez na kikilos ang House of Representatives para bigyan ang NIA ng karagdagang pondo na ₱40 bilyon.
Gayunpaman, tiniyak ni Manalo na ang mga hindi talaga makapagtanim dahil sa kakulangan ng tubig, ay ipapatala sa isang assisting agency o programa tulad ng DSWD at DOLE. RNT