Home METRO Epekto ng panahon sa Palarong Pambansa, ‘We have contingency plans’ – DepEd

Epekto ng panahon sa Palarong Pambansa, ‘We have contingency plans’ – DepEd

198
0

MANILA, Philippines – May nakahandang contingency plans sa Palarong Pambansa sa Marikina City kahit na magbago man ang panahon.

Ito ang pagsisiguro ng Department of Education nitong Lunes, Hulyo 31 kasabay ng nararanasan pa ring malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Falcon at habagat.

“Ang pinaka-challenge talaga ay itong ulan natin ngayon,” sinabi ni DepEd Assistant Secretary and Deputy Spokesperson Francis Bringas sa panayam ng Radyo 630.

Ang Palarong Pambansa ngayong taon ang kauna-unahan mula noong magsimula ang pandemya.

“Karamihan naman ng mga activities natin ay indoors at sa covered court except lang sa track and field and yung mga batted games natin. ‘Yan yung maaapektuhan if ever this is going to go on until next week,” ani Bringas.

“We already have contingency plans for that, yung mga maaapektuhan sa ating schedules. Yung mga adjustments, ginawa na ng ating mga tournament directors,” dagdag pa niya.

Idinaos ang opening ceremony ng Palarong Pambansa ngayong Lunes, Hulyo 31 at ang mga palaro naman ay mula Agosto 1 hanggang Agosto 5.

Sinabi naman ng opisyal na posible pa rin ang kanselasyon ng ilang laro sa masamang panahon.

“Meron kasi tayong specific international rules na sinusundan. Kapag yung intensity ng downpour, if it reaches a certain level, that’s the time na magde-declare na ng cancellation of that event. Pero habang walang ulan na nakikita, yung rule of succession natin sa ating mga games, yan yung mga i-aapply natin.”

Maliban sa venue ng mga laro, sinabi pa ni Bringas na handa rin sila sa accomodation ng nasa 9,172 delegado mula sa 17 rehiyon sa bansa kabilang ang lahat ng student-atheletes, mga opisyal at coach.

“I had the chance to go around and napakaayos ng ating mga public schools and private schools na maging billeting area. Mga flood-free areas [ito], kasi pinili natin yung mga higher-elevated na mga area,” paliwanag ni Bringas.

“We are very confident na hindi sila maaapektuhan.” RNT/JGC

Previous articleKaso ng Dengue umabot na sa higit 80k
Next articleTraysikel drayber binaril sa ulo ng riding in tandem

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here