Home NATIONWIDE Escort service sa NAIA muling nabuhay – Remulla

Escort service sa NAIA muling nabuhay – Remulla

MANILA, Philippines – Iniimbistigahan na ng Department of Justice ang posibleng pagbabalik ng modus ng ilang immigration officers sa mga airport na ‘escort service’.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos mahuli sa Ninoy Aquino International Airport ang isang 31 anyos na babae na nagpangap na empleyado ng DOJ employee.

Nabuking ang babae na gumamit ng pekeng travel authority.

Ang hindi pinangalanan na babae ay ni-recruit umano na magtrabaho sa United Arab Emirates bilang entertainer. Nagbayad umano siya ng P500,000 para makakuha ng pekeng  travel documents.

Sinabi ni Remulla na ang ganitong modus ay parehas sa multibilyong piso na “pastillas” escort racket kung saan ang mga dayuhan nais magtrabaho sa offshore gaming operators dito sa bansa ay bibiyahe bilang turista at magbabayad ng “service fee” para hindi magkaproblema pagpasok sa Pilipinas.

Sangkot umano dito ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) officers na namamahala sa pagpasok at paglabas sa bansa.

Naniniwala si Remulla na ang escort services ay maaring bahagi ng mas malaking may be pastillas scheme. Teresa Tavares

Previous article₱6.8M shabu nakumpiska, 4 timbog sa Pasay
Next articleSerial rapist, 2 pang wanted kalaboso sa Malabon