Home NATIONWIDE eService pampabilis transaksyon inilunsad ng BI

eService pampabilis transaksyon inilunsad ng BI

MANILA, Philippines – INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang linggo ang kanilang eServices, na idinisenyo upang baguhin ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga kliyente sa mga serbisyo ng imigrasyon.

Sa isang seremonya na ginanap sa pangunahing tanggapan ng BI sa Intramuros, ibinahagi ni Commissioner Norman Tansingco na sa bagong plataporma, ang mga pamamaraan sa imigrasyon ay nakatakdang maging mas mahusay at maginhawa para sa mga dayuhang turista.

“They can now swiftly and securely complete their necessary immigration applications end-to-end online,” ani Tansingco.

Ang mga aplikante para sa waiver of exclusion grounds para sa pagdating ng mga menor de edad na walang kasama, emigration clearance certificate, at dual citizenship sa ilalim ng RA 9225 ay maaari na ngayong magsumite ng kanilang mga aplikasyon online.

“Apart from these transactions, we are also excited to launch the online visa waiver and the tourist visa extension,” ayon kay Tansingco.

Ang temporary visitors’ visa extension, o mas kilala bilang tourist visa extension, ay isa sa mga karaniwang transaksyon ng BI para sa mga dayuhang turista na gustong manatili nang mas matagal sa bansa.

“Visa extension is really one of the highlights of our eServices, given its impact on Philippine Tourism. We all know that the DOT (Department of Tourism) has recently launched the country’s new slogan, that’s why we are finding ways to make it easy for everyone to love our country more,” ani Tansingco.

“Our eServices allows our visitors to comply with their immigration requirements from the comfort of their own homes, hotels, or even by the beach. This would definitely aid in boosting tourism, which is one of the main thrusts of the President,” dagdag pa nito.

Maaaring bisitahin ng mga aplikante ang eServices website ng BI sa https://e-services.immigration.gov.ph. JR Reyes

Previous articleMas maraming barangay health centers ipatatayo ni PBBM
Next articleOFW remittance rate, bahagyang nakabawi nitong  Mayo- BSP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here