MANILA, Philippines – Pinayagang makapagpiyansa ng korte sa Leyte sina self-confessed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa at apat na iba pang akusado dahil sa illegal drug trading case.
Sa resolusyon na ipinakita sa CNN Philippines mula sa abogado ni Espinosa na si Raymund Palad, sinasabi ng Baybay Regional Trial Court na pinayagang makapagpiyansa sina
Espinosa, Alfred Batistis, Bryan Anthony Zaldivar, Jose Antipuesto, at Marcelo Adorco dahil sa “failure of the prosecution to prove that evidence of guilt against them is strong.”
Si Espinosa at co-accused nito, ay kinasuhan dahil sa paglabag sa Section 26 (B) in relation to Section 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matatandaan na noong 2017 ay inamin ni Espinosa sa pagdinig ng Senado na nagbigay siya ng drug payoffs sa mga dating opisyal ng
Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency kapalit ng proteksyon sa kanya sa kinasasangkutang illegal drug trade sa Eastern Visayas.
Sa kabila nito, sinabi ng korte na ang pag-amin ay “not sufficient ground for conviction” dahil sa “absence of corpus delicti,” na nangangahulugang dapat ay mapatunayan muna ang krimen bago i-convict si Espinosa, o kung mapatutunayang ang ebidensya ay malakas.
“There were no eyewitnesses in the commission of the crime that would positively identify Espinosa and his co-accused of having committed the crime charged,” dagdag ng korte.
Maliban dito, ibinasura rin ng korte ang drug case laban sa ama nitong si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na napatay sa drug raid sa loob mismo ng kulungan nito noong Nobyembre 5, 2016.
Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Mayor Espinosa at anak nito ay kasama sa listahan ng mga drug lord at drug traffickers kasabay ng kainitan ng war on drugs.
Noong 2021, inabswelto ng Makati City RTC Branch 64 ang dalawa sa apat na drug trafficking charges ng nakababatang Espinosa dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Noong Hunyo 8, na-acquit naman sina Espinosa at Adorco ng Makati City Branch 65 sina Espinosa at Adorco dahil bigong nakapagbigay ng ebidensya laban sa kanila ang prosekusyon.
Anim na taon makalipas magtestimonya laban kay dating Senador Leila de Lima, binawi ni Espinosa ang alegasyon nito na sangkot ito sa illegal drug trade at nag-imbento lamang siya ng istorya dahil pinagbantaan siya ng mga pulis.
Kamakailan lamang ay tinanggihan ng Muntinlupa court ang application for bail ni De Lima sa ikatlo at huling drug case nito. RNT/JGC