Home NATIONWIDE Esports owner kinasuhan ng NBI sa pekeng resibo

Esports owner kinasuhan ng NBI sa pekeng resibo

227
0

Nagsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa may-ari ng isang esports organization dahil sa umanoy pag-imprenta ng mga pekeng resibo o sales at commercial invoice.

Inirekomenda ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division na makasuhan ang negosyanteng si Bernard Chong at 31 iba pa ng Brenterprise International Inc., ng mga kasong falsification of commercial documents, fraudulent conduct of business at graft and corrupt practices.

Sinalakay ng NBI sa bisa ng warrant na inisyu ng Quezon City trial court ang opisina ni Chong sa Eastwood City, Libis noong Disyembre 2022 upang suriin ang mga computer at kumpiskahin.

Advertisement

Mayroon ding warrant of arrest si Chong na inisyu ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa P1.8 bilyong shabu shipment na naharang sa Manila International Container Port noong 2019.

 

Pinagbigyan ng Court of Appeals ang petisyon ni Chong na kumukwestyon sa warrant of arrest sa batayan ng kanyang links sa Fortuneyield cargo Services Corporation ,ang kumpanyang sangkot sa operasyon ng papupuslit ng droga.

Nitong buwan lang,ibinasura ng CA ang drug smuggling case dahil wlaang probable cause para kasuhan si Chong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBivalent COVID vax may bisa pa rin vs Arcturus variant
Next articleHigit 72K kumuha ng LET, mga bagong guro na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here