Home NATIONWIDE Estado ng OFW death row convicts pinasisilip sa Kamara

Estado ng OFW death row convicts pinasisilip sa Kamara

108
0

MANILA, Philippines- Hinimok ni OFW Party-list Rep. Marissa Magsino ang House of Representatives na tingnan ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa hanay ng “death row” sa ibang bansa.

Sa House Resolution (HR) No. 684 na inihain ni Magsino sinabi nito na dapat tingnan din ng Kamara ang kasalukuyang kalagayan ng mga OFW na convicted sa iba’t ibang kaso sa ibang bansa.

Ang House Inquiry in aid of legislation na apela ni Magsino ay nakabinbin sa House Committee on Overseas Workers Affairs.

“Such inquiry would give the Philippine government an idea of how to assist the OFWs on death row and to determine the need for more effective interventions to save their lives and ensure justice on their behalf,” nakasaad sa resolusyon ni Magsino.

Aniya, sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nasa 65 OFW ang death convicts mula Setembre 2022, sa nasabing bilang ay 48 ang lalaki at 17 ang babae kasama dito ang kaso ni Mary Jane Veloso. Gail Mendoza

Previous articleMental Health Emergency ipinadedeklara kay PBBM
Next articleSa pagtawag na matandang artista, Dina, di na-offend!