Home METRO Estudyante patay sa pamamaril sa Basilan

Estudyante patay sa pamamaril sa Basilan

303
0

ISABELA CITY de Basilan – PATAY ang isang 20-anyos na estudyante habang sugatan ang isang bystander matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek noong Martes sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Arasad Allami Jumaat, 20, estudyante ng Alternative Learning System (ALS), at residente ng Barangay Carbon, Malamawi Island, Isabela City.

Ginagamot naman sa ospital ang bystander na kinilalang si Patrick Ballingut Polio, 27, binata ng Barangay Lanote, Isabela City.

Batay sa report ng Isabela City Police Station, bandang 4:00 PM ng maganap ang krimen sa kalsadang sakop ng Barangay Doña Ramona, Isabela City de Basilan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakuhanan ng CCTV sa lugar na sinusundan ng suspek ang biktima habang naglalakad at bago pa man ito makatawid at bigla na lamang pinagbabaril ng suspek.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang biktima ng naging sanhi ng kanyang kamatayan habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Polio.

Ayon kay Staff Sergeant Gaber Ussih, imbestigador ng Isabela City Police Station, mayroon na silang persons of interest at patuloy nila itong tinutugis na mabilis tumakas patungo sa Santol Alley, Barangay Doña Ramona.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico

Previous articleP8M marijuana plantation sa Kalinga, sinira
Next articleNPA kinondena sa pagkasawi ng tribe member sa Surigao Sur

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here