Home METRO Estudyante tinaniman ng bala sa ulo

Estudyante tinaniman ng bala sa ulo

638
0

Isang estudyante ang namatay makaaraang barilin ng malapitan ng isang construction worker sa Barangay BAFTAs sa Tanza, Cavite

Kinilala ang biktina na sir Eduardo Dolorito Jr., residente sa nasabing lugar na nadala pa sa MV Santiago Hospital subalit namatay rin ito habang ginagamot sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya sa suspek na si Jerkie Cabeique Jaulan, 21, construction worker ng Carissa, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite

Batay sa ginawang imbestigasyon ni PCpll Nikko Paul Barranco ng Tanza MPS, dakong alas-11:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa isang iskinita malapit sa bahay ng biktima sa Ph 3, Carissa Homes, Brgy. Bagtas, Tanza Cavite habang kausap nito ang nakasaksi sa krimen nang bigla umanong sumulpot ang suspek na nakasuot ng isang itim na jacket na maong bitbit ang Isang Baril at kaagad nitong binaril ng malapitan ang biktima sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang ginawang pamamaril, habang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa.pagpatay. Margie Bautista

Previous article4 tulisan naaktuhan, kulong!
Next articleSignal No. 2 kasado sa 3 lugar sa pagkilos ni Betty sa katubigan ng Cagayan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here