Home METRO Estudyanteng kumakandidato sa SK, todas sa pamamaril!

Estudyanteng kumakandidato sa SK, todas sa pamamaril!

MANILA, Philippines- Pinagbabaril-patay ng riding in tandem sa Initao, Misamis Oriental ang isang criminology student na tumatakbong kagawad sa Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Mark Allen Tacbobo, 23-anyos, at tumatakbong SK kagawad sa Barangay Jampason.

Inihayag ng mga awtoridad na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo si Tacbobo na nagresulta sa agad nitong pagkasawi. Nakatakas naman ang mga salarin.

“Base sa information nga adunay motorsiklo nga ang gisakyan sa maong suspetsado nga mipusil. Naigo kini siya sa iyang forehead portion sa iyang ulo gihapon,” pahayag ni ni Misamis Oriental Provincial Police Office Spokesperson, Lieutenant Theofratus Pia.

Kaugnay nito, sa isinagawang hot pursuit operation, naharang ng mga awtoridad ang isang SUV na may sakay na motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Isinailalim sa paraffin test ang tatlong sakay ng SUV na itinuturing na person of interest subalit negatibo ang mga ito sa gunpowder nitrates kaya pinakawalan din.

Gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa krimen. RNT/SA

Previous articleImmigration officer kinasuhan sa pamemeke ng dokumento ng puganteng dayuhan
Next articleJane, aminadong ultimate crush si Paolo!