Home NATIONWIDE eTravel Registration, Libre – BI

eTravel Registration, Libre – BI

MANILA, Philippines – IGINIIT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro sa electronic travel declaration system o mas kilala na eTravel ay libre kasabay ng babala nito sa publiko laban sa mga scammers.

“The eTravel registration process is absolutely free of charge. We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ani Tansingco.

Hinikayat ni Tansingco ang publiko na mag-ingat sa nasabing mga mapanlinlang na website o entity na nangangailangan ng anumang uri ng online na pagbabayad at iulat ang mga ito sa cybercrime investigation and coordinating center (CICC) sa pamamagitan ng website nito na https://cicc.gov.ph/report/

Inilabas ng BI chief ang babala kasunod ng mga ulat ng mga pasahero sa mga paliparan na nagsasabing sila ay nakarehistro na sa eTravel platform at “nagbayad” ng mga dapat bayaran na sinisingil sa kanila.

Nabatid na nasa pagitan ng P3,000 hanggang P5,000 ang halagang nakolekta umano sa mga pasahero, kapag na-convert sa piso dahil karaniwang US dollars ang sinisingil ng mga scammer.

“It is only when they encounter our officers at the airport that these passengers would realize they have been duped by these fraudsters and scammers in the internet,” ani Tansingco.

Ang eTravel ay inilunsad noong unang bahagi ng taong ito, at nagsisilbing nag-iisang platform sa pagkolekta ng data para sa mga darating at papaalis na pasahero. JAY Reyes

Previous articleMetro Manila malapit nang magkaroon ng 6 police districts
Next articleKarnaper na TMWP sa bansa, arestado