Home NATIONWIDE EU nangako ng P30M tulong para sa Mindanao flood victims

EU nangako ng P30M tulong para sa Mindanao flood victims

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng European Union (EU) ang 500,000-euro (halos P30.2 milyon) humanitarian aid para sa mga biktima ng pagbaha at landslide kamakailan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Tutugunan ng nasabing pondo ang pangangailangan ng 12,000 indibidwal sa ilang worst-hit, isolated areas sa southern region, ayon sa EU Delegation sa Manila nitong Huwebes.

“A series of unexpected heavy rainfall caused thousands of families in Mindanao to lose their homes, livelihoods, and belongings,” pahayag ni EU Ambassador Luc Véron.

“The EU funding will support our humanitarian partners in delivering crucial assistance to the most vulnerable, ensuring they can cover their basic needs in this time of crisis.”

Makatutulong din ito sa paghahatid ng EU humanitarian partners ng vital aid sa mga pinakanangangailangan.

Tututukan ng tulong ang pagbibigay ng emergency food at livelihood support, maging pagtitiyak na ang mga apektadong pamilya ay mayroong access sa malinis na tubig, sanitation facilities, at edukasyon.

Dahil sa walang humpay na pag-ulan noong nakaraang buwan, nagkaroon ng malawakang pagbaha at landslides sa eastern parts ng Mindanao, kung saan mahigit 1.5 milyong indibdiwal ang apektado at 22 ang patay. RNT/SA

Previous articleSSS account ng sekyu ginamit ng ibang indibidwal sa loan!
Next articleSarah at Mommy Divine, bati na?