MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “like-minded” ang Pilipinas at European Union pagdating sa rule of law at karapatang-pantao.
“As I mentioned to President Von der Leyen, the Philippines and EU are like-minded partners through our shared values of democracy, sustainable and inclusive prosperity, the rule of law, peace and stability, and human rights,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang joint press statement.
“The continued exchanges between Her Excellency and myself, which started in Brussels last year, is testament to our joint desire to bring our bilateral relationship to greater heights,” ang pahayag ng Pangulo.
Sa bilateral meeting, inihayag ng Punong Ehekutibo na tinalakay nila ang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at EU, partikular na nakatuon sa pagbibigay-sigla sa kalakalan.
Kinilala rin ng Chief Executive ang suporta ng EU para sa Bangsamoro peace process, at maging sa pagpapaunlad sa bansa pagdating sa rule of law, injustice, agriculture, space cooperation, at disaster management. Kris Jose