Home ENTERTAINMENT Euwenn Mikaell, pasok na sa GMA7!

Euwenn Mikaell, pasok na sa GMA7!

Manila, Philippines- Maganda ang naging pamamaalam ni Euwenn Mikaell sa 2023.

Siya lang naman ang nakasungkit ng Best Child Performer award sa Gabi ng Parangal ng ika-49 Metro Manila Film Festival.

Ang bibong bata ay nagwagi para sa pelikulang Firefly.

Gaya nga ng sabi ni Jessica Soho when interviewed about the film: maniwala sa kapangyarihan ng isang pangarap.

Pinatotohanan mismo ito ni Euwenn dahil literal na nagkaroon ng katuparan ang kanyang musmos na pangarap.

Maganda ang ngiti ng 2024 dahil kumpirmado nang magiging bahagi siya ng afternoon hit series ng GMA, ang Abot-Kamay na Pangarap.

In all indications ay tatagal pa sa ere ang AKNP which stars Jillian Ward, Carmina Villaroel, among others.

Papasok na rin kasi ang mga karakter na gagampanan nina Tonton Gutierrez at Klea Pineda.

Mismong si Euwenn ang excited na nagbalita ng kanyang inclusion sa serye.

Wish nga lang niya, sana raw ay papel bilang anak nina Carmina at Allen Dizon ang itoka sa kanya.

Herself a former child actress, tiyak na maraming matututunan kay Jillian si Euwenn.

Same goes for Carmina who began her showbiz career at a young age.

Nakakatawa nga lang ang ibang mga tagasubaybay ng AKNP.

Gusto na raw kasi nila na matapos na ang serye dahil sa kasamaan ng ilang mga tauhan doon.

Naha-high blood daw kasi ang mga viewers sa pagiging evil halimbawa ni Pinky Amador na tinik sa lalamunan ng mga bida.

With Euwenn as one of the latest additions in the cast, huwag naman sana nilang basagin ang trip ng bagets.

Give Euwenn the chance to prove na abot-kamay nga ang pangarap! Ronnie Carrasco III

Previous articleJeric, ibinisto ang pagli-live in nina AJ at Aljur!
Next articleAmihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa