Home NATIONWIDE ‘Evening’ quake drills, iba pang ‘scenario activities’ sinisilip ng OCD

‘Evening’ quake drills, iba pang ‘scenario activities’ sinisilip ng OCD

MANILA, Philippines- Susubukan ng Office of Civil Defense (OCD) na magsagawa ng mga pagsasanay sa gabi at iba’t ibang scenario training activities para sa ikatatagumpay ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drills (NSEDs) para mapahusay ang paghahanda ng publiko sa panahon ng seismic disasters.

Sinabi ng ahensya na mabibigyang-daan ng evening drills upang masuri ng mga awtoridad ang paghahanda sa labas ng kadalasang pagsasanay na isinasagawa tuwing daytime.

“Subukan din nating magsanay nang gabi na mangyayari ‘yung lindol. Mapapansin niyo ‘yung halos lahat ng mga pagsasanay natin ay office hours. Sa gabi, tanggapin natin na lahat halos ng government officials, national and local ay nasa kabahayan ‘yan. So mag-practice din tayo nang gabi. [Kung] papaano ‘yun? Iniisip natin na i-level up. Gagawa tayo ng iba’t ibang scenarios para hindi lang ‘yung duck, cover, and hold, so that we can really test the preparations,” ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Sinang-ayunan naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman and Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang bagay na ito, sabay sabing may mga senaryo na gagawin sa susunod na pagsasanay.

“Isa ring nakikita namin, maaaring magkaroon ng pinsala, alas-sais ng gabi, nasa lansangan lahat ng vehicles, bus, mass transportation systems at dito gusto natin i-check ‘yung kaligtasan,” ayon kay Teodoro.

“Kung nasa lansangan, i-check natin ang integrity ng mga tulay kasi kung sa lansangan mismo, hindi gaanong peligroso kung walang bumagsak na mga gusali. ‘Yun nga lang makakaapekto ito sa pagresponde natin kasi walang madadaanan ang ating mga first responders. Bagamat ganoon, gumagawa rin ang mga MMDA ng mga alternative routes kung saan puwede dumaan ang ating mga emergency responders,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sa PIlipinas, sabay-sabay na isinasagawa ang earthquake drills upang itaas ang paghahanda sa panahon ng lindol.

Nauna rito, sinabi ng OCD na ang drill ay makatutulong na suriin ang pagiging epektibo ng NDRRMC at member agencies nito sa pagtugon sa “simulated disaster scenario” sa pamamagitan ng pagbusisi sa “communication protocols, coordination mechanisms, at resource mobilization.” Kris Jose

Previous articleAnak sabog sa boga ng ama!
Next articleAnak ni Dennis, umatras sa showbiz!