Home METRO Ex-ARMM humanitarian chief pinaulanan ng bala

Ex-ARMM humanitarian chief pinaulanan ng bala

COTABATO CITY – Patay sa pamamaril ang isang dating humanitarian worker noong Linggo, Enero 28, ng gabi.

Naglunsad naman ang awtoridad ng manhunt operasyon laban sa mga suspek sa pamamril

Kinilala ni Col. Querubin Manalang Jr., city police director, ang nasawi na si Ramil Masukat, dating pinuno ng relief and humanitarian agency ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“Iba-ibang anggulo at posibleng motibo ang tinitingnan namin. Patuloy ang ating imbestigasyon,” ani Manalang.

Base sa imbestigasyon, si Masukat, 55, ay nakaupo sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan na minamaneho ng isang kamag-anak, at habang binabagtas ang Ramon Rabago Street dakong alas-7 ng gabi nang pagbabarilin sila ng mga armadong nakamotorsiklo.

Nagtamo siya ng maraming tama ng bala at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional and Medical Center.

Nauna nang nakaligtas si Masukat, na nagsilbi rin bilang municipal planning and development officer ng bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur, sa pananambang noong Nobyembre 2022 sa Barangay Timbangan, bayan ng Shariff Aguak.

Ang kanyang pagkamatay ay dumating limang araw matapos ang hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ay pumatay din sa isang empleyado ng Bangsamoro Transition Authority ng BARMM sa lungsod.

Kinondena ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagpatay kay Masukat, na hinihimok ang mga awtoridad ng pulisya na tugunan ang tumitinding karahasan.

“Kinukondena namin itong walang pakundangan na krimen na ginawa laban kay Engineer Ramil, na sa oras ng kanyang kamatayan ay namumuhay ng tahimik bilang isang pribadong mamamayan. May kaaway man o wala, violence should not be tolerate in any form,” ani Hataman, na dating governor ng ARMM. RNT

Previous article2 NPA tigok sa sagupaan sa Agusan Norte
Next articleP2 trilyong wish list na armas, kagamitan ng militar aprub kay PBBM